Reports Image
Agrisync


Admin 0000-00-00

A ribbon-cutting ceremony featured Regional OA Focal Person Michael Graciano Iledan, Provincial Agriculturist Edilberto De Luna and other provincial officials.

Ang Agribusiness Marketing and Assistance Division ay nagsagawa ng ribbon cutting at exhibit tour na pinangunahan ni RTD Olido kasama ang iba pang kawani at opisyal ng pamahalaan. Labing-apat na exhibitors mula sa limang probinsya, kabilang ang grupo ng Young Farmers Challenge sa Marinduque, ang nagpakita ng kanilang organikong produkto. Binigyan ng parangal ang mga nanalo sa 2023 Organic Agriculture Month Contest sa iba't ibang kategorya tulad ng poster making (young farmer category at adult farmer/OA stakeholders), poem writing, at song composition contest. Sa pangalawang araw, ibinahagi ng mga resource speaker ang kanilang success stories, testimonya, at mga pag-aaral at teknolohiya para sa pagpapalakas at pagpapalaganap ng organikong pagsasaka. Nagkaroon din ng farm tour sa Saluciana Integrated Farm sa Sta. Cruz at Sibuyao Demo Farm sa Torrijos upang makita ng mga kalahok ang mga teknolohiya at pamamaraan sa organikong pagsasaka. Nagbigay ng suporta at pananalita sina Provincial Administrator Michael John Velasco (kinatawan ni Congressman Lord Allan Jay Q. Velasco), John Fernandez Jr. (kinatawan ni Governor Presbitero J. Velasco, Jr.), Vice Governor Adeline M. Angeles, Provincial Agriculturist Edilberto De Luna, at Boac Municipal Mayor Armi DC. Carrion.